My Two Cents on Presidential Candidate Rody Duterte

My Two Cents on Presidential Candidate Rody Duterte
As a voter myself, representing the mid-life adult Filipinos out there.. I should say…isa ako sa mga nawalan ng pagasa… Tipong extra burden na ang pagpaparehistro at pagboto sa araw ng botohan dahil naiisip mong magiging pareho lng nmn..walang magbabago…wala ng pagasa..

Sabi ng mga magulang ko, bka hindi na sa henerasyon nmin..bka hindi na nmin maabutan ang pagbabago…(may pinagmanahan po ang pgiging pessimistic ng inyong lingkod)

Sa dami ng mga dumaang presidente sunod sa 1987 constitution, ilang 6 na taon pa ba ang sasayangin ntin para lang mapatunayang hindi epektibo ang konstitusyon natin,…

Muntik na kong maniwala…
Na wala ng pagasa…
Na hindi ko maaabutan..
Ang Bagong Pilipinas na inaasam ng lahat…

As a voter, an OFW voter…madalas mapagusapan kahit saan kami makapunta noon ang Pilipinas at mga namumuno dito..

Napaguusapan ng magkakakilalang Filipino sa ibang bansa; khit ng mga turista na nakapunta sa malalagong bansa malapit man o hindi sa pilipinas…

Lahat kadalasa’y may sariling nakakapanghinayang na masasabi sa kasalukuyang nangyayari sa Pilipinas..
Kadalasan ang conclusion, magbabago pa kaya? Mukhang mahirap…maxadong malalim na ang cancer na nagsimula pa sa panahon ni Rizal..

Sa kabila ng lahat ng mali na nakikita ng mga makabagong bayani, hindi mawawala ang pagasa na baka meron pa ngang mangyari na mirakulo at umayos ang kinabukasan..

Muntik na kong maniwala…
Na wala ng pagasa…
Na hindi ko maaabutan..
Ang Bagong Pilipinas na inaasam ng lahat..

As a Voter, as a Digital Migrant where Information Revolution is at it’s heights.. Buong digital world nakamatyag sa lahat ng public servants..

Isang video, isang post, isang like, isang share… Madaling mapalawak ang mga nakakaalam ng maganda o maduming gawain ng gobyerno at mga namumuno dito..

Siguro nga’y dapat malaman ng lahat ng Filipinos kahit na yaong mga nasa isla sa Europa o yaong mga nasa patag na lupain ng Asia..

Dpat malaman ng lahat…
..ang hindi pagngiti ng empleyado ng Munisipyo
..ang paghingi ng pampadulas ng mga tao sa customs
..ang pagbabahay ng kabit ng isang gobernador
..ang pagbili ng mansyon sa America ni Congressman
..ang mga palpak, maganda, kulang, muntik ng gumanda na mga desisyon ng PRESIDENTE
Pati mga sinabi nya na jokes o mga hindi nasabi na simpatya sa kinasasakupan nya…

Bilang isang tao na may karampatang access sa Internet para malaman lahat ng gusto kong malaman…

Nagpapasalamat ako..

Nabasa ko ito at naniwalang bka may pagbabago pa akong makikita…
Sa kalinisan ng kapaligiran..
Sa katahimikan na walang krimen saan pa man..
Sa pagasenso ng buong bansa..
Na isang pinuno na hindi magiging makasarili..

Nakarating ako ng Davao, nakita ko ang kainaman ng pamumuno ni Mayor Rody Duterte..

Nagbayad ako ng 53.00 sa taxi, sakto…
Nagtapon ako at lahat ng mga Davaoeño sa tamang basurahan kahit upos ng sigarilyo…
Nagpatulong sa bagahe sa Airport,walang bayad,walang naniningil sa mga pagtulong na ginagawa nila…

Marami pa..
Kung kakailanganin mo ng tulong para maging katulad nito ang kabuuan ng Pilipinas… Tutulong ako..

Isang leader na marunong sa batas..
Marunong mula sa paggawa hanggang pagiimplementa..

Isang leader na alam ang katayugan ng kapangyarihan ng baway naluluklok sa posisyon pati bawat kasapi ng gobyerno…
Marunong dumisiplina at kumondena kung may nagmamalabis o nanghahamak na taga-gobyerno

Isang leader na hindi makasarili..

Hinihikayat ko ang lahat na pakinggan sya..

Ang susunod kong Presidente..

President Rody Duterte

Muntik na kong maniwala…
Na wala ng pagasa…
Na hindi ko maaabutan..
Ang Bagong Pilipinas na inaasam ng lahat…

Salamat po PapaGod, andyan na sya.

 

12316519_10201182063910932_8059053174589888867_n.jpg

2 thoughts on “My Two Cents on Presidential Candidate Rody Duterte

Leave a comment