Bitcoin Documentary Review : Why Bitcoin? (Bitcoin : The End of Money as We Know It)

Bitcoin Documentary Review : Why Bitcoin? (Bitcoin : The End of Money as We Know It)

Hei Bitcoiners Worldwide!!!

Kmusta po?? Sa mga susunod na post ay hihimayin nmin ang Documentary : Bitcoin : The End of Money as We Know It … Hopefully, matulungan namin kayo sa mas malalim na pagunawa sa Bitcoin at sa Malalim ding pangangailangan ng mundo dito..

Why Bitcoin?

Points to Ponder:
-What we have in Common??
Sa dami ng bansang napuntahan nmin, kuhangkuha naman kung ano ang pinagkapareho ng lahat ng taon humihinga sa mismong minutong ito…Ang pangangailangan natin sa ss:

-Food Pagkain
-Water Tubig
-Shelter Bahay

at PERA… Lahat ng nasa taas para magkaroon ka, nagawa ng mundo na mabili gamit ang pera.
Parehong pangangailangan ng mga tao sa ibat ibang sulok ng mundo at ng mga tao noong unang panahon, nung panahon ng Kastila at magpasa hanggang ngayon…

Wag tayong magpaimpokrito. Ika nga ng aking Mentor na si Coach Bob , “Minsan lang tayo mabubuhay, sarapan na ntin.” Hindi tayo ang dahilan bakit naging ganito ang mundo. Pero hindi un dahilan para mabuhay tayong hirap at puno ng problema…Lalo mong mas kailangan si Bitcoin

-The world is fuelled by Money.
Dahil sa talino ng mga taong nauna sa henerasyon natin, nagawa nilang kumplekado ang pamumuhay sa mundo… Ngayon bawat kibot kailangan may lamang papel at barya ag bulsa ng bawat isa. Hindi iinog ang mundo mo kapag wala.

Kaya pagnahinto sa pagaaral, ang tendency ng tao ay humanap agad ng trabaho lalo na kung walang maaasahan sa Pamilya dahil na rin sa innate satin na takot mawalan ng pera. Lalo na sa mga maagang namulat sa katotohanang ito. Lalo mong mas kailangan si Bitcoin.

-You and your dreams are technically fuelled by money.
Walang pangarap ang hindi magrrequire ng PERA. NG kakayahang bumili ng serbisyo at produkto ng iba gamit ang PERA. Kung pagkadalubhasa ang pangarap, kailangan pa rin ng Pera. Hindi masama na magasam na magkaroon ng maraming ito, sapagkat yun lang naman ang paraan para mas maging maginhawa ang buhay..para mas maging masarap. Unang una lang nting kailangan tanggapin na kailangan natin xa. Pangalawa, tanggapin natin na may mga madadaling paraan para magkaroon ng Pera pero minsan mas pinipili ng tao ung mga paraan na mas matagal at mas mahirap.. Sila ang lalong mas may kailangan sa Bitcoin.

-Money is the catalyst for the best and worst in the world.
Dahil sa isang kakayahanng PERA ang gumawa o maglalang ng mga bagay bagay, minsan nagagamit xa sa hindi maganda o kapakipakinabang na bagay. Isa sa mga kapangyarihang binigay ng Diyos sa atin ay ang PAGLALANG. The Power of Creation. Hindi lamang ng susunod na henerasyon pati mga bagay. Naging mekanismo ang pera pero nagbibigay daan pa rin ito sa atin na maglalang. At kung mapunta sa maling mga kamay maaari itong magdulot ng baluktot at masamang bunga. Lalong kailangan ng Mundo ng Bitcoin.

-Bitcoin is a gift to the world.
Sa mga naniniwalang mababago ng Bitcoin ang mundo patuloy na magpahayag. Marami pa tayong matutulungan na mga tao at mababagong buhay. Ang Bitcoin ay regalo sa mundo para mas maging pantay pantay ang hatian ng karangyaan ng mga nilalang. Kudos sa mga tagapagtanggol, mga tagapamahayag at mga tagapaggamit ng Bitcoin! Dahil satin nababago ang patutunguhan ng mundo! Dahil satin mas maraming tao ang namumulat sa katotohanang libolibong taon na tayong napapaikot ng gobyerno at bangko. Lalong mas kailangan ng Mundo ang Bitcoin.

-What the Internet did to Information; Bitcoin is doing to Money.
Information Revolution, sa henerasyon natin, dumaan xa sa ating mga mata. Ang mga nangyayari sa ibat ibang parte ng mund, ngayon kayang kaya na nting malaman thru google, youtube, atbp…Ang mga nangyayari sa labas ng mundo ngayon pwede mo na rin mamasdan at matunghayan gamit ang Internet. Ang bangko 24 hours na rin dahil sa Online Banking. Dahil sa Internet, walang impormasyon ang massikreto, khit pa ng Gobyerno o ng Simbahan. Naging abot kamay ang kaalaman ng kahit na sinong tao…

Panibagong rebolusyon ang nahihnog nang mabuo. Ginagawa ng Bitcoin ang pagbibigay kalayaan sa mga taong noon ay nakadepende sa pera na dinidikta ng bangko at gobyerno. Ngayon wala ang kalayaan sa pagpapagalaw ng pera ay nasa sa kamay natin. Mas lalong kailangan ntin ang Bitcoin.

-Trust
Mas malalim ang pageexplain natin sa konsepto ng TIWALA sa mga susunod na videos…

😉 ENJOY na lang ang maikling kanta sa credits ng Documentary na ito.

Tunghayan ang mga susunod na isshare nmin na excerpt about Bitcoin!!!!
#ExtraIncome
#Bitcoin
#BitcoinCommunity

Leave a comment